Panitikan ng Pransya

Panitikan ng Pransya




Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya o, sa pangkalahatan, ang panitikang nakasulat sa wikang Pranses, partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya, kahit na ang manunulat ay hindi nagmula sa Pransiya. Maaari rin itong tumukoy sa panitikan isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal na mga wika ng Pransiya kahit na hindi wikang Pranses. May mga bansa ding bukod sa Pransiya na nagsasalita ng Pranses. Kabilang sa mga bansang ito ang Belhika, Suwesya, Canada, Senegal, Alherya, Moroko, at iba pa. Ang panitikang ganito, na isinulat ng mga mamamayan ng mga nabanggit na mga bansa ay tinaguriang panitikang Prankopono. Magmula noong 2006, ang mga manunulat ng Pranses ay nagawaran ng mas maraming mga Premyong Nobel sa Panitikan kaysa mga nobelista, mga makata, at mga tagapagsanaysay ng iba bang mga bansa. Ang Pransiya mismo ay nakahanay bilang una sa talaan ng mga Premyong Nobel sa panitikan ayon sa bansa.





KULTURA NG FRANCE: KAUGALIAN AT TRADISYON

Kadalasan ay kinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod ng mga Ilaw ay ibang-iba at nagkakaiba sa bawat rehiyon. Magugunita na ang kultura ng  France ay naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture, gayundin ang Franks, isang tribong  German.  Ang  France ay una nang tinawag na  Rhineland subalit  noong panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag na Gaul.

Habang ang malawak na pagkakaiba ay naghiwalay sa mga lungsod at punong – lungsod, sa loob ng nakalipas na 200 taon na digmaan – ang Digmaang Franco-Prussian, Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig – nagkaroon ng magkaisang lakas.




Ang naging impluwensiya ng panitikang Mediterranean sa mga Pilipino ay isang bagay na napakahalaga. Dahil dito, ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao ay mas naunawaan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga akdang naisulat ng mga mahuhusay na manunulat. Naging malaking tulong rin ang mga tula at iba pang mga prosa na naglalahad ng mga sinaunang kultura at tradisyon upang mas maintindihan at tangkilikin ang tunay na kulturang Pilipino.

Bukod dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na gumawa at mag-imbento ng mga iba’t ibang bagay na kanilang mapapakinabangan at makakatulong upang mapabilis ang kanilang mga gawain. Ang talento ng mga Pilipino sa pagsulat ay mas umusbong pa hanggang sa paggawa na nito ng eskrip na gagamitin sa telebisyon o mga pelikula.

Umunlad din ang pagsulat ng mga prosa ng Pilipino ng eskrip na pangradyo, pangtelebisyon, at pampelikula na nagbigay oportunidad sa paghubog ng talento ng mga Pilipino at ang pagganap sa mga tauhan ng eskrip ay nagsilbing mainam na hanapbuhay ng mga Pilipinong mahusay umarte sa harap ng kamera sa ngayon.

Higit sa lahat, naging pangmulat-mata ng mga Pilipino ang mga akda ng mahuhusay na manunulat upang makapagplano at maisaayos nila ang sari-sariling buhay; matugunan o malampasan nila ang kanilang mga problemang pinagdaraanan. Ito rin ang kanilang nagsilbing gabay upang mas maunawaan ang mga mithiin ng mga tao at ng bansa sa pamamagitan ng pagbasa ng mga akda tungkol sa sariling kasaysayan.

Comments

Post a Comment