Posts

Showing posts from November, 2020

Panitikan ng Pransya

Image
Panitikan ng Pransya Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya o, sa pangkalahatan, ang panitikang nakasulat sa wikang Pranses, partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya, kahit na ang manunulat ay hindi nagmula sa Pransiya. Maaari rin itong tumukoy sa panitikan isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal na mga wika ng Pransiya kahit na hindi wikang Pranses. May mga bansa ding bukod sa Pransiya na nagsasalita ng Pranses. Kabilang sa mga bansang ito ang Belhika, Suwesya, Canada, Senegal, Alherya, Moroko, at iba pa. Ang panitikang ganito, na isinulat ng mga mamamayan ng mga nabanggit na mga bansa ay tinaguriang panitikang Prankopono. Magmula noong 2006, ang mga manunulat ng Pranses ay nagawaran ng mas maraming mga Premyong Nobel sa Panitikan kaysa mga nobelista, mga makata, at mga tagapagsanaysay ng iba bang mga bansa. Ang Pransiya mismo ay nakahanay bilang una sa talaan ng mga Premyong Nobel sa panitikan ayon sa bansa. KULTURA NG FRANCE: KAUGAL...